Saturday, September 18, 2010

Paalam...

Nakakapago pala talaga umasa,
oo, wala ka namang kasalanan dun
hindi mo naman sinabi na
may pag-asa tayong dalawa...
ako lang naman itong tanga
pinapaasa ang sarili sa wala naman talaga
kaya lang hindi mo din ako masisisi...
yun lang kasi ang kaya kong gawin
para sumaya kahit papaano
ang umasa sa isang bagay
na sa una palang alam kong wala namang patutunguhan...
wala akong karapatan
na sumbatan ka..
pero kung meron man akong isusumbat sayo,
eh yun yung pagbibigay mo saken
ng dahilan para mahalin ka...
pero salamat pala ha,
kasi pinaramdam mo saken na
dapat nang limutin ka
at humanap na ng iba
paalam na sayo, bitamina ko... :(


bakit ko isisiksik an sarili ko
sa taong hindi naman nararamdaman ang presensya ko...

No comments:

Post a Comment